Showing posts with label blackmail. Show all posts
Showing posts with label blackmail. Show all posts

Wednesday, October 28, 2015

The Main Event


By: Eroticus

Sa loob ng isang sikat na boxing arena sa Las Vegas, jam packed na sa dami ng tao ang lugar. Maraming sikat na celebrities at personalidad ang naroon. Milyun-milyong tao naman sa buong mundo ang nakatutok sa kani-kanilang live pay-per-view program sa kanilang telebisyon. Naghihiyawan na ang mga tao sa loob ng arena. Isang makasaysayang laban ang magaganap sa gabing iyon. Ang gabing paghaharap ng dalawang boxing hall of famers. 

Dumilim ang loob ng arena. Kasunod niyon ay ang pagliwanag ng mga higanteng screen sa itaas ng boxing ring. Dumagundong ang hiyawan ng mga tao nang ipakita sa screen ang mukha ni Ernie, ang 12-time World Heavyweight Boxing Champion na mula sa bansang Pilipinas. Ipinalabas sa screen ang mga naging laban niya. Ipinakita doon ang bilis at lakas nang kaniyang mga suntok at ang pagbagsak ng kaniyang mga naging kalaban. 

Tatlong Anino ng Kamunduhan