Ang Pantasya ni Mister
By: Eroticus
Mahigit labing-isang taon ng mag-asawa sina Daryl at Linda. Pareho silang 36 years old. Mas matanda lang ng ilang buwan si Linda kay Daryl. Nabiyayaan sila ng 2 anak na parehas babae. Ang panganay ay 9 na taon at ang bunso naman ay nasa 6 na taon na kapwa nag-aaral na. Maayos naman ang kanilang kabuhayan, teacher sa pampublikong eskuwelahan si Linda, samantalang may maliit na iron works naman si Daryl sa kanilang tahanan na kadalasan ay kumukontrata ng mga trabaho sa mga itinatayong gusali at bahay. Paminsan-minsan, dumadanas din sila ng kakulangan ng panggastos lalo kapag nagkasabay-sabay ang gastusin pero nananatiling matibay ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.
