Showing posts with label suso. Show all posts
Showing posts with label suso. Show all posts

Wednesday, October 28, 2015

Marupok I

 "Ate Agnes, pasensiya ka na sa abala ha." wika ng hipag niyang si Glenda, isang beinte otso anyos na babae.

"Ilang araw lang namang makikituloy ang pinsan kong si Greg. Inaayos kasi yung bar na pinagtatrabahuhan niya, kasama na dun yung barracks nila." dagdag niya habang ipinapakisuyo sa hipag ang pansamantalang paninirahan ng isang trenta'y uno anyos na lalake.

"Okey lang Glenda. Maliit na bagay lang yan, maigi na din na me kasama kami dito habang wala ang kuya Carlito mo." tugon ni Agnes, isang trenta'y sais anyos na ginang.

"Salamat Ate Agnes. Siyangapala, bakit pala wala si kuya Carlito ngayon?"

"Pinuntahan kasi nya kahapon yung nabili naming bahay sa ikapitong bayan. Sa isang linggo na ang uwi ng kuya mo dito." sagot ni Agnes,"Ipinapa-renovate kasi namin yung mga kisame at flooring ng bahay pati na ang pagpapapintura. Nagustuhan namin yung lugar. Ibebenta din namin tong bahay para dun na kami titira."

Tukso sa Dilim

By: Eroticus

 Bagong lipat si Aling Elsa sa isang apartelle. Ipina-renovate kasi niya ang kahoy na bahay habang summer pa at bihira ang ulan. Nakaipon sila ng pagpapaayos ng kaniyang mister na si Rogelio na tatlong taon ng nasa abroad. Sinira na kasi ng anay at panahon ang mga kahoy sa lumang bahay na nabili nila. Isang sementadong bahay na ang papalit doon.

May kalapitan lang sa kanilang bahay ang nasabing apartelle. Na-engganyo siyang lumipat pansamantala dito dahil mura ang renta bawat araw, may malaking diskuwento pa kapag buwanan ang ilalagi.

Dalawang buwan ang nakasaad sa kontrata upang matapos ng cotractor na kinuha niya ang kanilang bahay. Dalawang buwan na rin ang binayaran ni Aling Elsa sa apartelle dahil dito.

"Wag kayong mag-alala Misis," wika ni Rick, isang kuwarenta'y siyete anyos na lalaki na tumatayong foreman,"kumuha na kami ng mga pakyawan para matapos agad kami." 

Tatlong Anino ng Kamunduhan