"Ate Agnes, pasensiya ka na sa abala
ha." wika ng hipag niyang si Glenda, isang beinte otso anyos na babae.
"Ilang araw lang namang makikituloy ang pinsan kong si Greg. Inaayos kasi yung bar na pinagtatrabahuhan niya, kasama na dun yung barracks nila." dagdag niya habang ipinapakisuyo sa hipag ang pansamantalang paninirahan ng isang trenta'y uno anyos na lalake.
"Okey lang Glenda. Maliit na bagay lang yan, maigi na din na me kasama kami dito habang wala ang kuya Carlito mo." tugon ni Agnes, isang trenta'y sais anyos na ginang.
"Salamat Ate Agnes. Siyangapala, bakit pala wala si kuya Carlito ngayon?"
"Pinuntahan kasi nya kahapon yung nabili naming bahay sa ikapitong bayan. Sa isang linggo na ang uwi ng kuya mo dito." sagot ni Agnes,"Ipinapa-renovate kasi namin yung mga kisame at flooring ng bahay pati na ang pagpapapintura. Nagustuhan namin yung lugar. Ibebenta din namin tong bahay para dun na kami titira."